At ito ay nangyari na, na maraming lunsod ang itinayong muli, at maraming lumang lunsod ang inayos. At maraming lansangang-bayan ang itinayo, at maraming daan ang ginawa, na nag-uugnay nang lunsod sa lunsod, at lupain sa lupain, at lugar sa lugar. [i]3373[/i] At sa gayon lumipas ang ikadalawampu at walong taon, at ang mga tao ay nagkaroon ng patuloy na kapayapaan.