3 Nephi 6:20–21

At nagsimulang magkaroon ng mga taong kinakasihan mula sa langit at isinugo, tumatayo sa mga tao sa buong lupain, nangangaral at pinatototohanan nang buong tapang ang mga kasalanan at kasamaan ng mga tao, [i]3375[/i] at pinatototohanan sa kanila ang hinggil sa pagtubos na gagawin ng Panginoon para sa kanyang mga tao, o sa ibang salita, ang pagkabuhay na mag-uli ni Cristo; at buong tapang na pinatototohanan nila ang kanyang kamatayan at mga pagdurusa.

Ngayon marami sa mga tao ang labis na nagalit dahil sa mga yaong nagpapatotoo sa mga bagay na ito; at ang mga yaong nagagalit ay karamihang mga punong hukom, at sila na naging matataas na saserdote at mga manananggol; oo, ang lahat ng yaong manananggol ay nagalit sa mga yaong nagpapatotoo sa mga bagay na ito.

From section: Pagtanggi sa mga Propeta at Pagsasabwatan sa Gobyerno

From page: Ang Panahon ng Gadianton

Commentary