3 Nephi 7:12–13

Samakatwid, si Jacob na nakikitang higit na nakararami ang kanilang mga kaaway kaysa sa kanila, siya bilang hari ng pangkat, kaya nga inutusan niya ang kanyang mga tao na tumakas sila patungo sa pinakahilagang bahagi ng lupain, at doon magtayo sa kanilang sarili ng isang kaharian, hanggang sa umanib sa kanila ang mga tumiwalag, (sapagkat kanyang nilinlang sila na magkakaroon ng maraming magsisitiwalag) at magiging sapat ang kanilang lakas upang makipaglaban sa mga lipi ng mga tao; at ginawa nga nila ito.

At napakabilis ng kanilang paghayo kung kaya’t hindi ito nahadlangan kung kaya nga’t hindi na sila naabutan pa ng mga tao. At sa gayon nagtapos ang ikatatlumpung taon; at gayon ang mga pangyayari sa mga tao ni Nephi.

From section: Si Jacob at Ang Bagong Lihim na Sabwatan

From page: Ang Panahon ng Gadianton

Commentary