Sa gayon din lumipas ang ikatatlumpu at dalawang taon. At si Nephi ay nangaral sa mga tao sa pagsisimula ng ikatatlumpu at tatlong taon; at siya ay nangaral sa kanila ng pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan. Ngayon nais kong tandaan din ninyo, na walang sinumang nagsisi ang hindi nabinyagan sa tubig.
Anupa’t may mga inordenan si Nephi na mga lalaki sa ministeryong ito, upang ang lahat ng yaong lalapit sa kanila ay mabinyagan sa tubig, at ito ay bilang saksi at patotoo sa harapan ng Diyos, at sa mga tao, na sila ay nagsipagsisi at nakatanggap ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan. At marami sa pagsisimula ng taong ito ang nabinyagan tungo sa pagsisisi; [i]3383[/i] at sa gayon lumipas ang malaking bahagi ng taon.