At ito ay nangyari na, na sa ikalimampu at tatlong taon ng panunungkulan ng mga hukom, si Helaman ay namatay, at ang kanyang pinakamatandang anak na si Nephi ay nagsimulang manungkulang kahalili niya. [i]3308[/i] At ito ay nangyari na, na siya ay nanungkulan sa hukumang-luklukan sa katarungan at pagkakapantay-pantay; oo, sinunod niya ang mga kautusan ng Diyos, at lumakad alinsunod sa mga landas ng kanyang ama.