Masdan, ibinigay ko sa inyo ang mga pangalan ng ating mga naunang magulang na lumisan sa lupain ng Jerusalem; at ginawa ko ito nang sa gayon kapag naalaala ninyo ang inyong mga pangalan ay maalaala ninyo sila; at kapag naalaala ninyo sila ay maalaala ninyo ang kanilang mga gawa; at kapag naalaala ninyo ang kanilang mga gawa ay malaman ninyo kung paanong nasabi, at nasulat din, na sila’y mabubuti.