Ang Panahon ng Gadianton

Ang Pagbibitiw ni Nephi Bilang Hukom

Helaman 5:1–3

Si Nephi ay nagbitiw sa kanyang katungkulan bilang hukom, at ipinagkatiwala ang posisyon sa isang lalaki na nagngangalang Cezoram.

At ito ay nangyari na, na sa taon ding ito, masdan, ibinigay ni Nephi ang hukumang-luklukan sa isang lalaki na ang pangalan ay Cezoram. Sapagkat ang kanilang mga batas at kanilang mga pamahalaan ay pinagtitibay ng tinig ng mga tao, at ang mga yaong pumili ng kasamaan ay higit na nakararami kaysa sa mga yaong pumili ng kabutihan, anupa’t sila ay nahihinog na para sa pagkalipol, sapagkat ang mga batas ay naging tiwali. Oo, at hindi lamang ito; sila ay mga taong matitigas ang leeg, kung kaya nga’t hindi sila mapamahalaan ng batas ni katarungan, maliban sa kanilang pagkalipol.

Helaman 5:4

Si Nephi ay sumama sa kanyang kapatid na si Lehi, at ang dalawa ay naghanda upang mangaral ng salita ng Diyos sa mga Nephita.

At ito ay nangyari na, na si Nephi ay nanghina dahil sa kanilang kasamaan; at isinuko niya ang hukumang-luklukan, at binalikat ng kanyang sarili na ipangaral ang salita ng Diyos sa lahat ng nalalabi niyang mga araw, at gayon din ang kanyang kapatid na si Lehi, lahat ng nalalabi niyang mga araw;

Helaman 5:5–12

Si Nephi at si Lehi ay pinalalakas at nabibigyan ng inspirasyon ng mga salita ng kanilang pumanaw na ama na si Helaman, na nagturo sa kanila na ang tunay na kaligayahan at pag-unlad ay dumarating mula sa pagsunod at paniniwala kay Jesus.

Sapagkat naalaala nila ang mga salita ng kanilang amang si Helaman na sinabi sa kanila. At ito ang mga salitang kanyang sinabi:

Helaman 5:13

Si Helaman ay nagtagubilin kay Nephi at kay Lehi ng mabuti.

At ito ay nangyari na, na ito ang mga salitang itinuro ni Helaman sa kanyang mga anak; oo, kanyang tinuruan sila ng maraming bagay na hindi nasusulat, at marami ring bagay na nasusulat.

Helaman 5:14–16

Si Nephi at si Lehi, pinananatili ang pananampalataya, ay humayo upang mangaral ng paikot, simula sa Masagana, at dumaraan sa Gid, Mulek, at maging sa mga teritoryo na nasa loob ng Zarahemla na pinamamalagian ng mga Lamanita.

At natatandaan nila ang kanyang mga salita; at kaya nga, sila ay humayo, sinusunod ang mga kautusan ng Diyos, upang ituro ang salita ng Diyos sa lahat ng tao ni Nephi, simula sa lunsod ng Masagana. At mula roon hanggang sa lunsod ng Gid; at mula sa lunsod ng Gid hanggang sa lunsod ng Mulek;

At maging lunsod sa lunsod, hanggang sa marating nila ang lahat ng tao ni Nephi na nasa lupaing patimog; at mula roon patungo sa lupain ng Zarahemla, sa mga Lamanita.

Helaman 5:17

Si Nephi at si Lehi ay makapangyarihan at makarisma sa pangangaral sa marami hinggil sa kanilang kamalian, at inaakay ang marami tungo sa pagsisisi.

At ito ay nangyari na, na sila ay nangaral sa dakilang kapangyarihan, kung kaya nga’t nalito nila ang marami sa mga yaong tumiwalag na mga Nephita, hanggang sa sila ay lumapit at ipinagtapat ang kanilang mga kasalanan at nabinyagan tungo sa pagsisisi, at kaagad silang bumalik sa mga Nephita upang masigasig na maisaayos sa kanila ang mga kamaliang nagawa nila.

Helaman 5:18–19

8,000 na mga Lamanita ang nabinyagan, at napabalik-loob sa Panginoon bilang resulta ng mga pagsisikap ni Nephi at ni Lehi.

At ito ay nangyari na, na sina Nephi at Lehi ay nangaral sa mga Lamanita sa dakilang kapangyarihan at karapatan, sapagkat may ibinigay sa kanilang kapangyarihan at karapatan upang sila ay makapagsalita, at ibinigay rin sa kanila kung ano ang nararapat nilang sabihin—

Anupa’t sila ay nangusap sa labis na panggigilalas ng mga Lamanita, tungo sa pagpapaniwala sa kanila, hanggang sa may walong libo ng mga Lamanita na nasa lupain ng Zarahemla at nasa paligid ang nabinyagan tungo sa pagsisisi, at napaniwala sa kasamaan ng mga kaugalian ng kanilang mga ama.