Helaman 5:17

At ito ay nangyari na, na sila ay nangaral sa dakilang kapangyarihan, kung kaya nga’t nalito nila ang marami sa mga yaong tumiwalag na mga Nephita, hanggang sa sila ay lumapit at ipinagtapat ang kanilang mga kasalanan at nabinyagan tungo sa pagsisisi, at kaagad silang bumalik sa mga Nephita upang masigasig na maisaayos sa kanila ang mga kamaliang nagawa nila.

From section: Ang Pagbibitiw ni Nephi Bilang Hukom

From page: Ang Panahon ng Gadianton

Commentary