At masdan, nang sabihin nila ang mga salitang ito, ang lupa ay malakas na nayanig, at ang mga pader ng bilangguan ay nayanig na sa wari’y guguho ang mga ito sa lupa; subalit masdan, ang mga ito ay hindi bumagsak. At masdan, sila na mga nasa bilangguan ay mga Lamanita at Nephita na mga tumiwalag. At ito ay nangyari na, na sila ay nililiman ng ulap ng kadiliman, at isang kakila-kilabot at tahimik na pagkatakot ang nanaig sa kanila. [i]1756[/i]