At sa pangatlong pagkakataon ay muling narinig ang tinig, at nangusap sa kanila ng mga kagila-gilalas na salita na hindi maaaring sabihin ng mga tao; at ang mga pader ay muling nayanig, at ang lupa ay nayanig na sa wari’y mahahati ito. At ito ay nangyari na, na ang mga Lamanita ay hindi makatakas dahil sa ulap ng kadiliman na lumililim sa kanila; oo, at hindi rin sila makakilos dahil sa takot na nanaig sa kanila. [i]1759[/i]