At ngayon, nang marinig nila ito ay itinaas nila ang kanilang mga paningin na sa wari’y upang mamasdan kung saan nagmumula ang tinig; at masdan, nakita nilang bumukas ang kalangitan; at ang mga anghel ay nanaog sa langit at naglingkod sa kanila. [i]1768[/i] At may humigit-kumulang sa tatlong daang katao ang nakakita at nakarinig sa mga bagay na ito; at sila ay pinagsabihang humayo at huwag manggilalas, ni ang mag-alinlangan sila.