At ito ay nangyari na, na si Helaman ay nagpasugo upang dakpin ang pangkat na ito ng mga tulisan at lihim na mamamatay-tao, upang sila ay maparusahan alinsunod sa batas. Subalit masdan, nang matuklasan ni Gadianton na si Kiskumen ay hindi nakabalik siya ay natakot na baka siya ay patayin; kaya nga pinasunod niya sa kanya ang kanyang pangkat. At nagsitakas silang palabas ng lupain, sa isang lihim na daan, patungo sa ilang; [i]3303[/i] at sa gayon nang magpasugo si Helaman upang dakpin sila ay hindi na sila matagpuan.