Helaman 6:18–19

At ngayon masdan, yaong mga pumapaslang at nandarambong ay isang pangkat na binuo nina Kiskumen at Gadianton. [i]3321[/i] At ngayon ito ay nangyari na, na sila ay marami, maging sa mga Nephita, na kabilang sa pangkat ni Gadianton. Subalit masdan, higit silang nakararami sa higit na masasamang bahagi ng mga Lamanita. At sila ay tinawag na mga tulisan ni Gadianton at mga mamamatay-tao. At sila ang mga yaong pumaslang sa punong hukom na si Cezoram, at sa kanyang anak, habang nasa hukumang-luklukan; at masdan, hindi sila natagpuan.

From section: Ang Pagbangon ng mga Tulisang Gadianton

From page: Ang Panahon ng Gadianton

Commentary