Helaman 11:24–25

At ito ay nangyari na, na sa ikawalumpung taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi, may ilang bilang ng mga tumiwalag mula sa mga tao ni Nephi, na ilang taon nang nakiisa sa mga Lamanita, at dinala sa kanilang sarili ang pangalang Lamanita, at ilan ding bilang ng mga tunay na inapo ng mga Lamanita, na pinukaw nila na magalit, o ng mga yaong tumiwalag, anupa’t sila ay nagpasimula ng digmaan sa kanilang mga kapatid.

At sila ay nakagawa ng pagpaslang at nandambong; at pagkatapos sila ay umuurong pabalik sa mga bundok, [i]1124[/i] at sa ilang at mga lihim na lugar, ikinukubli ang kanilang sarili upang hindi sila matagpuan, nakatatanggap araw-araw ng karagdagan sa kanilang bilang, habang may mga tumitiwalag na nakikiisa sa kanila. [i]1773[/i]

From section: Ang Paglago ng Gadianton

From page: Ang Panahon ng Gadianton

Commentary