Sapagkat ang Jerusalem ay nawasak,
_at ang Juda ay bumagsak,
_dahil ang kanilang mga dila
_at ang kanilang mga gawa ay laban sa Panginoon,
_upang galitin ang mga mata ng kanyang kaluwalhatian.
Ang kaanyuan ng kanilang pagmumukha ay sumasaksi laban sa kanila,
_at tanyag ang kanilang mga kasalanan tulad ng Sodoma,
_at hindi nila ito maitatago. Sa aba sa kanilang mga kaluluwa,
_sapagkat ginantimpalaan nila ang sarili ng kasamaan!
Sabihin ninyo sa mabubuti, na ito ay makabubuti sa kanila;
_sapagkat kakanin nila ang bunga ng kanilang mga gawa.
Sa aba sa masasama,
_sapagkat masasawi sila;
_sapagkat tatanggapin nila ang gantimpala ng mga gawa ng kanilang mga kamay.
At sa aking mga tao,
_mga bata ang maniniil sa kanila,
_at mga babae ang mamumuno sa kanila.
_O aking mga tao,
_ang mga umaakay sa iyo ang siyang nagliligaw sa iyo
_at sumisira sa iyong daraanan.