2 Nephi 15:8–10

Sa aba nila na nangahuhugpong ng bahay sa bahay,
_hanggang sa wala nang lugar,
_upang sila ay magsipanirahang mag-isa
_sa gitna ng lupain!

Sa aking mga tainga,
_wika ng Panginoon ng mga Hukbo,
_sa katotohanan ay maraming bahay ang magigiba,
_at malalaki at magagandang lunsod ay mawawalan ng tao.

Oo, sampung akreng ubasan ay mamumunga ng isang bat,
_at ang isang homer na binhi ay magbubunga ng isang efa.

From section: Ang Kasawian Para sa Masasama

From page: Ang Pagsipi ni Nephi sa Isaias

Commentary