Sa aba nila na nagsisibangon nang maaga sa umaga,
_upang ipagpatuloy ang paglalango,
_at umiinom hanggang gabi,
_at sila ay pinaiinit ng alak!
At ang kudyapi,
_at ang lira,
_ang pandereta,
_at plawta,
_at alak ay nasa kanilang mga piging;
_subalit hindi nila inaalintana ang gawain ng Panginoon,
_ni hindi rin nila pinapansin ang gawa ng kanyang mga kamay.