2 Nephi 15:24–25

Samakatwid,
_kung paano tinutupok sa liyab ng apoy ang pinaggapasan,
_at kung paano natutupok ang ipa ng ningas,
_ang kanilang mga ugat ay magiging kabulukan,
_at ang kanilang mga bulaklak ay aahon na tulad ng alabok;
_dahil sa kanilang itinakwil ang batas ng Panginoon ng mga Hukbo,
_at hinamak ang salita ng Banal ng Israel.

Samakatwid,
_matindi ang galit ng Panginoon laban sa kanyang mga tao,
_at iniunat niya ang kanyang kamay laban sa kanila,
_at binagabag sila;
_at nayanig ang mga burol,
_at ang mga bangkay ay nagkalat
_sa gitna ng mga lansangan.

Sa kabila ng lahat ng ito ang kanyang galit ay hindi napapawi,
_kundi nakaunat pa rin ang kanyang kamay.

From section: Ang Kasawian Para sa Masasama

From page: Ang Pagsipi ni Nephi sa Isaias

Commentary