2 Nephi 15:26–30

At siya ay magtataas ng isang sagisag sa mga bansang malalayo,
_at sisipulan niya ito buhat sa kadulu-duluhan ng mundo;
_at masdan, darating sila na lubhang nagmamadali;
_walang mapapagod, ni matitisod man sa kanila.

Walang iidlip ni matutulog man;
_ni hindi rin mag-aalis ng pamigkis sa kanilang baywang,
_ni mapapatid ang tali ng kanilang mga pangyapak;

Ang kanilang mga palaso ay matatalim,
_at lahat ng kanilang busog ay nakaakma,
_at ang mga kuko ng kanilang mga kabayo ay tulad ng batong kiskisan,
_at ang mga gulong ng kanilang mga sasakyan ay gaya ng buhawi,
_ang kanilang ungol ay gaya ng sa leon.

Sila ay magsisiungol tulad ng mga batang leon;
_oo, uungol sila,
_at sasakmalin ang huli,
_at tatangayin,
_at walang makaaagaw nito.

At sa araw na yaon ay uungol sila
_laban sa kanila tulad ng hugong ng dagat;
_at kung titingnan nila ang lupain,
_masdan, kadiliman at kalungkutan,
_at magdidilim ang liwanag sa kalangitan niyon.

From section: Ang Kasawian Para sa Masasama

From page: Ang Pagsipi ni Nephi sa Isaias

Commentary