2 Nephi 16:1–4

Noong taong mamatay ang haring Uzzias,
_nakita ko rin ang Panginoon na nakaupo sa isang trono, [i]2297[/i]
_matayog at mataas,
_at ang laylayan ng kanyang damit ay pumuno sa templo.

Sa itaas nito ay nangakatayo ang mga serapin;
_ang bawat isa ay may anim na pakpak;
_dalawa upang takpan niya ang kanyang mukha,
_at dalawa upang takpan niya ang kanyang mga paa,
_at dalawa upang ipanlipad niya.

At nagsisigawan sa isa’t isa,
_at nagsasabi:

Banal, banal, banal ang Panginoon ng mga Hukbo;
_ang buong mundo ay puspos ng kanyang kaluwalhatian.

At ang mga patibayin ng pintuan ay nayanig sa tinig ng yaong sumisigaw,
_at napuno ng usok ang bahay.

From section: Ang Pangitain at Katawagan ni Isaias

From page: Ang Pagsipi ni Nephi sa Isaias

Commentary