At sinabi niya:
Masdan ninyo ngayon, O sambahayan ni David; diyata’t maliit na bagay sa inyo ang pagurin ang mga tao, subalit inyo bang papagurin din ang aking Diyos?
Samakatwid, ang Panginoon sa kanyang sarili ang magbibigay sa inyo ng palatandaan—Masdan, maglilihi ang isang birhen, at magsisilang ng isang anak na lalaki, at tatawagin ang kanyang pangalang Emmanuel. Mantikilya at pulot ang kanyang kakainin, upang malaman niyang tumanggi sa kasamaan at piliin ang mabuti.
Sapagkat bago matutong tumanggi ang bata sa kasamaan at piliin ang mabuti, ang lupaing iyong kinasusuklaman ay pababayaan ng kapwa niyang mga hari. Pararatingin sa iyo ng Panginoon, at sa iyong mga tao, at sa sambahayan ng iyong ama, ang mga araw na kailanman ay hindi pa sumapit magmula nang mapahiwalay ang Ephraim sa Juda, ang hari ng Asiria.