Muling nangusap sa akin ang Panginoon, nagsasabing:
Yaman din lamang na tinanggihan ng mga taong ito
_ang tubig ng Siloa na marahang umaagos,
_at nangagsasaya kay Resin at sa anak ni Remalias;
Ngayon samakatwid, masdan,
_ang Panginoon ay magpapadala sa kanila
_ng malakas at bumubugsong tubig ng ilog,
_ maging ang hari ng Asiria at ang kanyang buong kaluwalhatian;
_na anupa’t aapaw sa lahat ng kanyang pampang,
_at babaha sa lahat ng kanyang baybayin.
At magdaraan sa Juda;
_babaha at tataas
_ang tubig hanggang sa leeg;
_at sasakupin ng kanyang mga pakpak
_ang buong kalawakan ng iyong lupain,
_O Emmanuel.