2 Nephi 12:6–9

Samakatwid, O Panginoon, binayaan ninyo ang inyong mga tao,
_ang sambahayan ni Jacob,
_dahil sa sila ay napuspos ng mga manggagaway na mula sa silangan,
_at nakinig sa mga manghuhula gaya ng mga Filisteo,
_at kanilang binibigyang-lugod ang kanilang sarili sa mga anak ng mga dayuhan.

Ang kanilang lupain ay puno rin ng pilak at ginto,
_ni walang katapusan ang kanilang mga kayamanan;
_at ang kanilang lupain ay puno rin ng mga kabayo,
_ni walang katapusan ang bilang ng kanilang mga karo.

At ang kanilang lupain ay puno rin ng mga diyus-diyusan;
_sinasamba nila ang gawa ng kanilang sariling mga kamay,
_na gawa ng kanilang sariling mga daliri.

At ang taong hamak ay hindi yumuyuko,
_at ang mataas na tao ay hindi nagpapakumbaba,
_samakatwid, huwag siyang patawarin.

From section: Ang Dakilang Kapangyarihan ng Panginoon

From page: Ang Pagsipi ni Nephi sa Isaias

Commentary