Ang mga taong lumalakad sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag;
_sila na naninirahan sa lupain ng anino ng kamatayan,
_sa kanila sumikat ang isang liwanag.
Iyong pinarami ang bansa,
_at nagdulot ng kagalakan—
_nagagalak sila sa iyong harapan alinsunod sa kagalakan ng pag-aani,
_at gaya ng pagsasaya ng mga tao habang hinahati ang kanilang nasamsam.
Sapagkat sinira mo ang pamatok na kanyang pasan,
_at ang pamalong tumatama sa kanyang balikat,
_ang hagupit ng umaalipin sa kanya.
Sapagkat ang bawat digmaan ng mandirigma ay may nakalilitong kaguluhan,
_at ang mga kasuotan ay nabalot sa dugo;
_subalit ito ay susunugin at igagatong sa apoy.