2 Nephi 19:8–12

Ipinasabi ng Panginoon ang kanyang salita kay Jacob
_at naliwanagan nito ang Israel.

At malalaman ng lahat ng tao,
_maging sa Ephraim at sa mga naninirahan sa Samaria,
_na nagsasabi sa kapalaluan at sa kapusukan ng kanilang puso:

Nagkahulog ang mga ladrilyo,
_subalit magtatayo tayo sa tinabasang bato;
_ang mga sikomoro ay nangaputol,
_subalit papalitan natin sila ng mga sedro.

Samakatwid pinalusob ng Panginoon
_ang mga kaaway ni Resin laban sa kanya,
_at pinagsama ang kanyang mga kaaway;

Ang mga taga-Siria sa harapan at ang mga Filisteo sa likuran;
_at bukang bibig nilang lalamunin ang Israel.

Sa lahat ng ito ang kanyang galit ay hindi napapawi,
_kundi nakaunat pa rin ang kanyang kamay.

From section: Ang Galit ng Panginoon sa Kapalaluan ng Israel

From page: Ang Pagsipi ni Nephi sa Isaias

Commentary