2 Nephi 19:13–17

Sapagkat hindi bumaling sa kanya ang mga taong yaon na mga nagpapahirap sa kanila,
_ni hindi hinahanap ang Panginoon ng mga Hukbo.

Samakatwid puputulin ng Panginoon mula sa Israel ang ulo at buntot,
_ang sanga at tambo sa isang araw.

Ang matanda,
_siya ang ulo;
_at ang propetang nagtuturo ng mga kasinungalingan,
_siya ang buntot.

Sapagkat ang mga pinuno ng mga taong ito ang nagliligaw sa kanila;
_at silang pinamumunuan nila ay winawasak.

Kaya nga hindi magkakaroon ng kagalakan ang Panginoon sa kanilang mga kabataang lalaki,
_ni kaaawaan ang kanilang mga ulila at babaing balo;
_sapagkat bawat isa sa kanila ay mapagkunwari at mga manggagawa ng kasamaan,
_at bawat bibig ay nagsasalita ng kahangalan.

Sa lahat ng ito ang kanyang galit ay hindi napapawi,
_kundi nakaunat pa rin ang kanyang kamay.

From section: Ang Galit ng Panginoon sa Kapalaluan ng Israel

From page: Ang Pagsipi ni Nephi sa Isaias

Commentary