2 Nephi 19:18–21

Sapagkat ang kasamaan ay sumusunog na tulad ng apoy;
_tutupukin nito ang mga dawagan at tinikan,
_at mag-aalab sa siitan ng mga gubat,
_at pumapailanglang sila tulad sa pagtaas ng usok.

Sa pamamagitan ng poot ng Panginoon ng mga Hukbo ay dumilim ang lupain,
_at ang mga tao ay magiging gatong ng apoy;
_walang sino man ang maaawa sa kanyang kapatid.

At susunggab siya sa kanyang kanang kamay at magugutom;
_at kakain siya sa kaliwang kamay
_at hindi sila mabubusog;
_kinakain ng bawat isa ang laman ng kanyang sariling bisig—

Si Manases, si Ephraim;
_at si Ephraim, si Manases;
_magkasama silang kakalaban sa Juda.

Sa lahat ng ito ang kanyang galit ay hindi napapawi,
_kundi nakaunat pa rin ang kanyang kamay.

From section: Ang Galit ng Panginoon sa Kapalaluan ng Israel

From page: Ang Pagsipi ni Nephi sa Isaias

Commentary