At magtataas siya ng sagisag para sa mga bansa,
_at titipunin niya ang mga tapon ng Israel,
_at sama-samang titipunin ang mga ikinalat ng Juda
_mula sa apat na sulok ng mundo.
At ang paninibugho rin ng Ephraim ay maaalis,
_at ihihiwalay ang mga kaaway ng Juda;
_hindi na maiinggit ang Ephraim sa Juda,
_at hindi na manliligalig ang Juda sa Ephraim.
Subalit lulusob sila sa mga balikat ng mga Filisteo
_tungo sa kanluran;
_sabay-sabay silang mananamsam sa mga anak ng silanganan;
_at pagbubuhatan ng kanilang kamay ang Edom at Moab;
_at susundin sila ng mga anak ni Ammon.
At lubusang patutuyuin ng Panginoon ang dila
_ng dagat Egipto;
_at sa pamamagitan ng kanyang malakas na hangin
_ay iwawasiwas niya ang kanyang kamay sa ilog,
_at hahampasin niya sa pitong batis,
_at palalakarin niya ang mga tao na hindi basa ang sapin sa paa.
At magkakaroon ng lansangan
_para sa mga labi ng kanyang mga tao
_na matitira, mula sa Asiria,
_tulad ng sa Israel sa araw
_na sila ay lumabas mula sa lupain ng Egipto.