Sapagkat ang araw ng Panginoon ng mga Hukbo ay malapit nang sumapit sa lahat ng bansa,
_oo, sa lahat;
_oo, sa palalo at matatayog,
_at sa lahat ng mapagmataas,
_at sila ay ibababa.
Oo, at sasapit ang araw ng Panginoon
_sa lahat ng sedro ng Libano,
_sapagkat sila ay matatayog at matataas;
_at sa lahat ng encina ng Besan;
At sa lahat ng mataas na bundok,
_at sa lahat ng burol,
_at sa lahat ng bansang matayog,
_at sa lahat ng tao;
At sa lahat ng mataas na tore,
_at sa lahat ng nababakurang muog;
At sa lahat ng sasakyang-dagat ng dagat,
_at sa lahat ng sasakyang-dagat ng Tarsis,
_at sa lahat ng mainam na bagay.