Ang buong mundo ay namahinga,
_at tahimik;
_bigla silang nagsipag-awit.
Oo, nagalak ang mga puno ng sipres dahil sa iyo,
_at gayon din ang mga sedro ng Libano, nagsasabing:
_Mula nang ikaw ay mapahinga wala nang mamumutol na gumagalaw sa amin.
Ang impiyerno sa kailaliman ay nagsisikilos para sa iyo
_upang salubungin ka sa iyong pagdating; [i]2304[/i]
_pinupukaw niya ang mga patay para sa iyo,
_maging lahat ng pinuno sa mundo;
_pinatitindig niya mula sa kanilang mga trono
_ang lahat ng hari ng mga bansa.
Lahat sila ay magsasalita at sasabihin sa iyo:
_Naging mahina ka rin bang tulad namin?
_Naging katulad ka ba namin?
Bumaba ang iyong kahambugan sa libingan;
_hindi narinig ang ingay ng iyong mga biola;
_nangangalat ang mga uod sa ilalim mo,
_at natatakpan ka ng mga uod.