2 Nephi 12:20–22

Sa araw na yaon ay itatapon ng tao ang kanyang mga diyus-diyusang pilak,
_at ang kanyang mga gintong diyus-diyusan,
_na ginawa niya para sa sarili upang kanyang sambahin,
_sa mga bilig at sa mga paniki;

Upang magtungo sa mga bitak ng malalaking bato,
_at sa mga tuktok ng magagaspang na bato,
_sapagkat ang takot sa Panginoon
_ay mananaig sa kanila
_at babagabagin sila ng kamahalan ng kanyang kaluwalhatian,
_kapag pumarito siya upang labis na payanigin ang mundo.

Layuan ninyo ang tao,
_na ang hininga ay nasa kanyang mga butas ng ilong;
_sapagkat sa ano siya pahahalagahan?

From section: Ang Dakilang Kapangyarihan ng Panginoon

From page: Ang Pagsipi ni Nephi sa Isaias

Commentary