Sapagkat nangusap ang Panginoon ng ganito sa akin sa pamamagitan ng malakas na kamay,
at inatasan ako
na huwag akong susunod
sa mga yapak ng mga taong ito, nagsasabing:
Huwag ninyong sabihin,
Isang kilusan, sa lahat ng sasabihin ng mga taong ito,
Isang kilusan; huwag kayong matakot sa kanilang kinatatakutan,
ni ang mangamba.
Pabanalin ang Panginoon ng mga Hukbo,
at sa kanya kayo matakot,
at sa kanya kayo mangilabot.
At siya ay magiging santuwaryo;
ngunit batong katitisuran,
at isang malaking batong pangbuwal sa kapwa sambahayan ni Israel,
bilang isang bitag at isang silo sa mga naninirahan sa Jerusalem.
At marami sa kanila ang matitisod at mabubuwal,
at masasaktan,
at masisilo,
at mahuhuli.
Ingatan mo ang patotoo,
tatakan mo ang batas sa aking mga disipulo.
At maghihintay ako sa Panginoon,
na ikinukubli ang kanyang mukha sa harapan ng sambahayan ni Jacob,
at hahanapin ko siya.
Masdan,
ako at ang aking mga anak
na kaloob sa akin ng Panginoon
ay mga palatandaan at kababalaghan
sa Israel mula sa Panginoon ng mga Hukbo,
na naninirahan sa Bundok ng Sion.
At kapag sasabihin nila sa inyo:
Sumangguni kayo sa mga yaong piton,
at sa mga manghuhulang nagsisihuni at nagsisibulong—
hindi ba marapat na ang Diyos ang sanggunian ng tao,
upang makarinig ang mga buhay mula sa mga patay?
Nasa inyo ang batas at patotoo;
at kung hindi sila magsasalita nang naaayon sa salitang ito,
ito ay dahil sa wala ang liwanag sa kanila.
At sila ay magsisidaan doon na nanlulupaypay at nagugutom;
at ito ay mangyayari na kapag nagutom sila,
sila na rin ay magagalit,
at isusumpa ang kanilang hari at ang kanilang Diyos,
at titingala.
At tutunghay sila sa lupa at mamamasdan ang kaligaligan,
at kadiliman,
kapanglawang kahapis-hapis,
at itataboy sila sa kadiliman.