Sapagkat nangusap ang Panginoon ng ganito sa akin sa pamamagitan ng malakas na kamay,
_at inatasan ako
_na huwag akong susunod
_sa mga yapak ng mga taong ito, nagsasabing:
Huwag ninyong sabihin,
_Isang kilusan, sa lahat ng sasabihin ng mga taong ito,
_Isang kilusan; huwag kayong matakot sa kanilang kinatatakutan,
_ni ang mangamba.
Pabanalin ang Panginoon ng mga Hukbo,
_at sa kanya kayo matakot,
_at sa kanya kayo mangilabot.
At siya ay magiging santuwaryo;
_ngunit batong katitisuran,
_at isang malaking batong pangbuwal sa kapwa sambahayan ni Israel,
_bilang isang bitag at isang silo sa mga naninirahan sa Jerusalem.
At marami sa kanila ang matitisod at mabubuwal,
_at masasaktan,
_at masisilo,
_at mahuhuli.
Ingatan mo ang patotoo,
_tatakan mo ang batas sa aking mga disipulo.
At maghihintay ako sa Panginoon,
_na ikinukubli ang kanyang mukha sa harapan ng sambahayan ni Jacob,
_at hahanapin ko siya.