2 Nephi 18:18–22

Masdan,
_ako at ang aking mga anak
_na kaloob sa akin ng Panginoon
_ay mga palatandaan at kababalaghan
_sa Israel mula sa Panginoon ng mga Hukbo,
_na naninirahan sa Bundok ng Sion.

At kapag sasabihin nila sa inyo:
_Sumangguni kayo sa mga yaong piton,
_at sa mga manghuhulang nagsisihuni at nagsisibulong—
_hindi ba marapat na ang Diyos ang sanggunian ng tao,
_upang makarinig ang mga buhay mula sa mga patay?

Nasa inyo ang batas at patotoo;
_at kung hindi sila magsasalita nang naaayon sa salitang ito,
_ito ay dahil sa wala ang liwanag sa kanila.

At sila ay magsisidaan doon na nanlulupaypay at nagugutom;
_at ito ay mangyayari na kapag nagutom sila,
_sila na rin ay magagalit,
_at isusumpa ang kanilang hari at ang kanilang Diyos,
_at titingala.

At tutunghay sila sa lupa at mamamasdan ang kaligaligan,
_at kadiliman,
_kapanglawang kahapis-hapis,
_at itataboy sila sa kadiliman.

From section: Matakot sa Diyos

From page: Ang Pagsipi ni Nephi sa Isaias

Commentary