Ang Sermon ni Jacob

Ang Tulong ng Diyos [Isaias 50:4-11]

2 Nephi 7:4–9

Tinutulungan ng Diyos at inililigtas ang mga yaong masunurin.

Binigyan ako ng Panginoong Diyos ng dila ng nangaturuan,
upang aking malaman kung paanong aluin kayo
ng mga salita sa tamang panahon,
O sambahayan ni Israel.

Kapag kayo ay nanlulupaypay siya ay nagigising tuwing umaga.
Ginigising niya ang aking tainga upang makarinig ng gaya ng mga nangaturuan.

Binuksan ng Panginoong Diyos ang aking tainga,
at ako ay hindi naging mapanghimagsik, ni tumalikod man.
Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit,
at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas.

Hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura.
Sapagkat tutulungan ako ng Panginoong Diyos,
samakatwid hindi ako maaaring malito.

Anupa’t inilagay ko ang aking mukha na parang batong kiskisan,
at nalalaman kong hindi ako mapapahiya.

At malapit ang Panginoon, at pinawawalang-sala niya ako.
Sino ang makikipaglaban sa akin?
Tayo ay magsitayong magkakasama.

Sino ang aking kaaway?
Hayaang lumapit siya sa akin,
at babagabagin ko siya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng aking bibig.

Sapagkat tutulungan ako ng Panginoong Diyos.
At silang lahat na hahatol sa akin,
masdan, silang lahat ay maluluma na parang kasuotan,
at lalamunin sila ng mga tanga.

2 Nephi 7:10–11

Ang mga mabubuti ay maaaring magtiwala sa Diyos, ang mga masasama ay makaaasa ng pagkabagabag.

Sino sa inyo ang natatakot sa Panginoon,
na sumusunod sa tinig ng kanyang tagapaglingkod,
na lumalakad sa kadiliman at walang liwanag?

Masdan kayong lahat na nangagsusulsol ng apoy,
na kumukubkob ng mga sulo,
magsilakad kayo sa liyab ng inyong apoy
at sa gitna ng mga sulong inyong pinag-alab.

Ito ang tatamuhin ninyo sa aking kamay—
kayo ay magsisihiga sa kalungkutan.