Binigyan ako ng Panginoong Diyos ng dila ng nangaturuan,
_upang aking malaman kung paanong aluin kayo
_ng mga salita sa tamang panahon,
_O sambahayan ni Israel.
Kapag kayo ay nanlulupaypay siya ay nagigising tuwing umaga.
_Ginigising niya ang aking tainga upang makarinig ng gaya ng mga nangaturuan.
Binuksan ng Panginoong Diyos ang aking tainga,
_at ako ay hindi naging mapanghimagsik, ni tumalikod man.
_Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit,
_at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas.
Hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura.
_Sapagkat tutulungan ako ng Panginoong Diyos,
_samakatwid hindi ako maaaring malito.
Anupa’t inilagay ko ang aking mukha na parang batong kiskisan,
_at nalalaman kong hindi ako mapapahiya.
At malapit ang Panginoon, at pinawawalang-sala niya ako.
_Sino ang makikipaglaban sa akin?
_Tayo ay magsitayong magkakasama.
Sino ang aking kaaway?
_Hayaang lumapit siya sa akin,
_at babagabagin ko siya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng aking bibig.
Sapagkat tutulungan ako ng Panginoong Diyos.
_At silang lahat na hahatol sa akin,
_masdan, silang lahat ay maluluma na parang kasuotan,
_at lalamunin sila ng mga tanga.