2 Nephi 7:1–3

Oo, sapagkat ganito ang wika ng Panginoon:

Isinantabi ba kita, o itinakwil ba kita nang tuluyan? [i]2286[/i]

Sapagkat ganito ang wika ng Panginoon:

Saan naroon ang sulat ng paghihiwalay sa iyong ina?

Kanino ba kita ipinagpalit,
_o kanino ba sa mga nagpapautang sa akin kita ipinagbili?

Oo, kanino kita ipinagbili?

Masdan, dahil sa inyong mga kasamaan ipinagbili ninyo ang inyong sarili,
_at dahil sa inyong mga kasalanan ang iyong ina ay isinantabi.

Samakatwid, nang dumating ako, walang tao;
_nang ako ay tumawag, oo, ay walang sinumang sumagot.

O sambahayan ni Israel,
_naging maiksi na ba ang aking kamay na hindi makatubos,
_o wala ba akong kapangyarihang makapagligtas?

Masdan, sa saway ko ay aking tinutuyo ang dagat,
_ginagawa kong ilang ang kanilang mga ilog
_at ang kanilang mga isda ay bumabaho dahil sa nangatuyo ang tubig,
_at nangamatay sila dahil sa uhaw.

Bibihisan ko ng kadiliman ang kalangitan,
_at gagawin ko ang damit na magaspang na kanilang pantakip.

From section: Ang Kapangyarihan ng Diyos at Mga Paglabag ng Israel [Isaias 49:24-50:3]

From page: Ang Sermon ni Jacob

Commentary