Sapagkat makukuha ba sa makapangyarihan ang kanyang huli,
o ang talagang nabihag ay makalalaya?
Subalit ganito ang wika ng Panginoon:
Maging ang mga bihag ng makapangyarihan ay kukunin,
at ang huli ng kakila-kilabot ay makalalaya;
sapagkat ililigtas ng Makapangyarihang Diyos ang kanyang mga pinagtipanang tao.
Sapagkat ganito ang wika ng Panginoon:
Makikipaglaban ako sa kanila na nakikipaglaban sa iyo—
At pakakainin ko sila na nang-aapi sa iyo, ng kanilang sariling laman;
at malalango sila
ng kanilang sariling dugo gaya ng matamis na alak;
at makikilala ng lahat ng tao na ako ang Panginoon,
ang iyong Tagapagligtas at iyong Manunubos,
ang Makapangyarihan ni Jacob.
Oo, sapagkat ganito ang wika ng Panginoon:
Isinantabi ba kita, o itinakwil ba kita nang tuluyan?
Sapagkat ganito ang wika ng Panginoon:
Saan naroon ang sulat ng paghihiwalay sa iyong ina?
Kanino ba kita ipinagpalit,
o kanino ba sa mga nagpapautang sa akin kita ipinagbili?Oo, kanino kita ipinagbili?
Masdan, dahil sa inyong mga kasamaan ipinagbili ninyo ang inyong sarili,
at dahil sa inyong mga kasalanan ang iyong ina ay isinantabi.Samakatwid, nang dumating ako, walang tao;
nang ako ay tumawag, oo, ay walang sinumang sumagot.O sambahayan ni Israel,
naging maiksi na ba ang aking kamay na hindi makatubos,
o wala ba akong kapangyarihang makapagligtas?Masdan, sa saway ko ay aking tinutuyo ang dagat,
ginagawa kong ilang ang kanilang mga ilog
at ang kanilang mga isda ay bumabaho dahil sa nangatuyo ang tubig,
at nangamatay sila dahil sa uhaw.Bibihisan ko ng kadiliman ang kalangitan,
at gagawin ko ang damit na magaspang na kanilang pantakip.