Sapagkat makukuha ba sa makapangyarihan ang kanyang huli,
_o ang talagang nabihag ay makalalaya?
Subalit ganito ang wika ng Panginoon:
Maging ang mga bihag ng makapangyarihan ay kukunin,
_at ang huli ng kakila-kilabot ay makalalaya;
_sapagkat ililigtas ng Makapangyarihang Diyos ang kanyang mga pinagtipanang tao.
Sapagkat ganito ang wika ng Panginoon:
Makikipaglaban ako sa kanila na nakikipaglaban sa iyo—
At pakakainin ko sila na nang-aapi sa iyo, ng kanilang sariling laman;
_at malalango sila
_ng kanilang sariling dugo gaya ng matamis na alak;
_at makikilala ng lahat ng tao na ako ang Panginoon,
_ang iyong Tagapagligtas at iyong Manunubos,
_ang Makapangyarihan ni Jacob.