2 Nephi 6:14–15

At masdan, ayon sa mga salita ng propeta, ang Mesiyas ay muling paparito sa ikalawang pagkakataon upang bawiin silang muli; anupa’t ipakikita niya ang kanyang sarili sa kanila sa kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian, tungo sa pagkawasak ng kanilang mga kaaway, sa pagdating ng araw na yaon na maniniwala sila sa kanya; at hindi niya lilipulin ang naniniwala sa kanya.

At sila na hindi maniniwala sa kanya ay lilipulin, kapwa sa pamamagitan ng apoy, at sa pamamagitan ng bagyo, at sa pamamagitan ng lindol, at sa pamamagitan ng mga pagdanak ng dugo, at sa pamamagitan ng mga salot, at sa pamamagitan ng taggutom. At makikilala nila na ang Panginoon ay Diyos, ang Banal ng Israel.

From section: Itinalakay ni Jacob ang Isaias

From page: Ang Sermon ni Jacob

Commentary