At pinagpala ang mga Gentil, sila na mga isinulat ng propeta; sapagkat masdan, kung sakali mang magsisisi sila at hindi kakalabanin ang Sion, at hindi makikiisa sa yaong makapangyarihan at karumal-dumal na simbahan, sila ay maliligtas; sapagkat tutuparin ng Panginoong Diyos ang kanyang mga tipan na kanyang ginawa sa kanyang mga anak; at sa kadahilanang ito isinulat ng propeta ang mga bagay na ito.
Samakatwid, sila na kumakalaban sa Sion at sa mga pinagtipanang tao ng Panginoon ay hihimurin ang alikabok sa kanilang mga paa; at ang mga tao ng Panginoon ay hindi mahihiya. Sapagkat ang mga tao ng Panginoon ay sila na mga naghihintay sa kanya; sapagkat kanila pa ring hinihintay ang pagparito ng Mesiyas.