At ipinakita rin niya sa akin na ang Panginoong Diyos, ang Banal ng Israel, ay magpapakita ng kanyang sarili sa kanila sa laman; at matapos niyang ipakita ang sarili ay kanilang pahihirapan siya at ipapako sa krus, ayon sa mga salita ng anghel na kumausap sa akin. At matapos nilang patigasin ang kanilang mga puso at patigasin ang kanilang mga leeg laban sa Banal ng Israel, masdan, ang paghuhukom ng Banal ng Israel ay sasapit sa kanila. At darating ang araw na sila ay babagabagin at pahihirapan.
Samakatwid, matapos na itaboy sila nang paroo’t parito, sapagkat gayon ang wika ng anghel, marami ang pahihirapan sa laman, at hindi pahihintulutang masawi, dahil sa mga panalangin ng matatapat; ikakalat sila at babagabagin, at kapopootan; gayon pa man, ang Panginoon ay magiging maawain sa kanila, na kapag makarating sila sa kaalaman ng kanilang Manunubos, sila ay muling sama-samang titipunin sa mga lupaing kanilang mana.