Ang Sermon ni Jacob

Ang Awit ng Pagpupuri ni Jacob

2 Nephi 9:17–19

Ipinaghanda ni Jacob ang katarungan ng Diyos.

O ang kadakilaan at ang katarungan ng ating Diyos!

Sapagkat isinasagawa niya ang lahat ng kanyang salita,
at ang mga yaon ay nagmula sa kanyang bibig,
at ang kanyang batas ay tiyak na matutupad.

Datapwat, masdan, ang mabubuti,
ang mga banal ng Banal ng Israel,
sila na nangagsipaniwala sa Banal ng Israel,
sila na nangagsipagtiis sa mga pasakit ng daigdig,
at nasuklam sa kahihiyan nito,

Sila ay magmamana ng kaharian ng Diyos,
na inihanda para sa kanila
mula pa sa pagkakatatag ng daigdig,
at ang kanilang kagalakan ay malulubos magpakailanman.

O ang kadakilaan ng awa ng ating Diyos,
ang Banal ng Israel!

Sapagkat iniligtas niya ang kanyang mga banal
mula sa kakila-kilabot na halimaw, ang diyablo,
at kamatayan, at impiyerno,
at doon sa lawa ng apoy at asupre,
na walang katapusang pagdurusa.

2 Nephi 9:20–21

Pinapurihan ni Jacob ang karunungan ng Diyos sa lahat; ipinaliwanag niya na si Jesus ay darating upang iligtas ang mga yaong susunod sa kanya, at dadanasin ang bawat sakit ng bawat kasapi ng pamilyang tao.

O kaydakila ng kabanalan ng ating Diyos!

Sapagkat nalalaman niya ang lahat ng bagay,
at walang anumang bagay na hindi niya alam.

At siya ay paparito sa daigdig upang kanyang mailigtas ang lahat ng tao kung sila ay makikinig sa kanyang tinig; sapagkat masdan, kanyang titiisin ang sakit ng lahat ng tao, oo, ang sakit ng bawat nilalang, kapwa lalaki, babae, at mga bata, na kabilang sa mag-anak ni Adan.

2 Nephi 9:22–24

Lahat ng tao ay mabubuhay na mag-uli; nang sa gayon, kapahamakan ang sasapit sa mga yaong tatanggihan si Jesus.

At titiisin niya ito upang ang pagkabuhay na mag-uli ay maganap sa lahat ng tao, upang ang lahat ay tumayo sa harapan niya sa dakila at araw ng paghuhukom.

At kanyang inutusan ang lahat ng tao na kailangang sila’y magsisi, at mabinyagan sa kanyang pangalan, na may ganap na pananampalataya sa Banal ng Israel, o sila ay di maaaring maligtas sa kaharian ng Diyos.

At kung hindi sila magsisisi at maniniwala sa kanyang pangalan, at mabibinyagan sa kanyang pangalan, at magtitiis hanggang wakas, sila ay tiyak na susumpain; sapagkat ang Panginoong Diyos, ang Banal ng Israel, ang nagsalita nito.