2 Nephi 9:17–19

O ang kadakilaan at ang katarungan ng ating Diyos!

Sapagkat isinasagawa niya ang lahat ng kanyang salita,
_at ang mga yaon ay nagmula sa kanyang bibig,
_at ang kanyang batas ay tiyak na matutupad.

Datapwat, masdan, ang mabubuti,
_ang mga banal ng Banal ng Israel,
_sila na nangagsipaniwala sa Banal ng Israel,
_sila na nangagsipagtiis sa mga pasakit ng daigdig,
_at nasuklam sa kahihiyan nito,

Sila ay magmamana ng kaharian ng Diyos,
_na inihanda para sa kanila
_mula pa sa pagkakatatag ng daigdig,
_at ang kanilang kagalakan ay malulubos magpakailanman.

O ang kadakilaan ng awa ng ating Diyos,
_ang Banal ng Israel!

Sapagkat iniligtas niya ang kanyang mga banal
_mula sa kakila-kilabot na halimaw, ang diyablo,
_at kamatayan, at impiyerno,
_at doon sa lawa ng apoy at asupre,
_na walang katapusang pagdurusa.

From section: Ang Awit ng Pagpupuri ni Jacob

From page: Ang Sermon ni Jacob

Commentary