3 Nephi 21:11–13

Kaya nga, ito ay mangyayari na ang sinumang hindi maniniwala sa aking mga salita, ako na si Jesucristo, na papapangyarihin ng Ama na dalhin niya sa mga Gentil, at bibigyan siya ng kapangyarihan na kanyang madala ang mga iyon sa mga Gentil, (ito ay mangyayari maging katulad ng winika ni Moises) sila ay mahihiwalay sa aking mga tao na kasama sa tipan.

At ang aking mga tao na mga labi ni Jacob
_ay mapapasa mga Gentil,
_oo, sa gitna nila na kagaya ng isang leon sa mga hayop sa gubat,
_katulad ng isang batang leon sa mga kawan ng tupa,
_na siya, kung makapapasok ay susunggaban niya at pagluluray-lurayin,
_at walang makapagliligtas.

Ang kanilang mga kamay ay itataas sa kanilang mga kaaway,
_at ang lahat ng kanilang mga kaaway ay lilipulin.

From section: Pagtubos sa Pamamagitan ni Kristo [Micah 5:8-15]

From page: Inihayag ni Hesus ang Mga Propeta

Commentary