Ang inyong mga inukit na larawan ay akin ding wawasakin
_at ihihiwalay ang inyong nakatayong mga imahen sa gitna ninyo,
_at hindi na ninyo sasambahin pa ang mga gawa ng inyong mga kamay;
At aking bubunutin ang inyong mga puno sa gitna ninyo;
_akin ding wawasakin ang inyong mga lunsod.
At ito ay mangyayari na ang lahat ng pagsisinungaling,
_at mga panlilinlang, at inggitan, at sigalutan,
_at huwad na pagkasaserdote, at pagpapatutot, ay matitigil.