3 Nephi 21:22–25

Ngunit kung sila ay magsisisi at makikinig sa aking mga salita, at hindi patitigasin ang kanilang mga puso, itatatag ko ang aking simbahan sa kanila, at sila ay makikipagtipan at ibibilang sa mga ito na labi ni Jacob, kung kanino aking ibinigay ang lupaing ito bilang kanilang mana;

At sila ay tutulong sa aking mga tao, na labi ni Jacob, at gayon din kasindami ng sambahayan ni Israel na darating upang kanilang maitayo ang isang lunsod, [i]3443[/i] na tatawaging ang Bagong Jerusalem. At pagkatapos sila ay tutulong sa aking mga tao upang sila ay matipon, na nangagkalat sa balat ng lupa, patungo sa Bagong Jerusalem. At pagkatapos, ang kapangyarihan ng langit ay bababa sa kanila; at ako rin ay mapapasagitna nila.

From section: Pagtubos sa Pamamagitan ni Kristo [Micah 5:8-15]

From page: Inihayag ni Hesus ang Mga Propeta

Commentary