3 Nephi 22:1–4

At pagkatapos, yaong nasusulat ay mangyayari:

Umawit, O baog,
_ikaw na hindi nagkaanak;
_magsimula kang umawit;
_at sumigaw nang malakas,
_ikaw na hindi nagdamdam sa panganganak ng bata;
_sapagkat higit na marami ang mga anak ng pinabayaan
_kaysa sa mga anak ng may asawa, wika ng Panginoon.

Palakihin ang dako ng iyong tolda,
_at bayaan silang iladlad ang mga tabing ng iyong mga tahanan; [i]3444[/i]
_huwag kayong magtipid, habaan mo ang iyong mga lubid at patibayin mo ang iyong mga istaka;

Sapagkat ikaw ay magsisimula sa kanang kamay at sa kaliwa,
_at ang iyong mga binhi ay mamanahin ang mga sa Gentil _at ang mga pinabayaang lunsod ay magkakaroon ng maninirahan.

Huwag matakot, sapagkat ikaw ay hindi mapapahiya;
_ni ikaw ay hahamakin;
_sapagkat hindi ka malalagay sa kahihiyan;
_sapagkat malilimutan mo ang kahihiyan ng iyong kabataan,
_at hindi maaalaala ang kadustahan ng iyong kabataan,
_at hindi mo na maaalaala pa ang kasiraan ng iyong pagkabalo.

From section: Ang Tipan ni Abraham Pinalawak [Isaias 54:1-7]

From page: Inihayag ni Hesus ang Mga Propeta

Commentary