Kaya nga, ang sinumang nakikinig ng mga salitang ito at ginagawa ang mga yaon, itutulad ko siya sa isang matalinong tao na nagtayo ng kanyang bahay sa ibabaw ng isang malaking bato— At bumuhos ang ulan, at dumating ang baha, at umihip ang hangin, at humampas sa bahay na yaon; at iyon ay hindi bumagsak, sapagkat ito ay nakatayo sa ibabaw ng isang bato. At ang bawat isa na nakaririnig ng mga salita kong ito at hindi ito ginagawa ay itutulad ko sa isang taong hangal, na nagtayo ng kanyang bahay sa buhanginan— At bumuhos ang ulan, at dumating ang baha, at umihip ang hangin, at humampas sa bahay na yaon; at iyon ay bumagsak, at malakas ang pagbagsak niyon.