Pinagpala kayo kung kayo ay makikinig sa mga salita nitong labindalawang aking pinili mula sa inyo upang maglingkod sa inyo, at maging inyong mga tagapaglingkod; [i]3028[/i] at sa kanila ay ibinigay ko ang kapangyarihan na binyagan kayo sa tubig; at matapos na kayo ay mabinyagan sa tubig, masdan, bibinyagan ko kayo ng apoy at ng Espiritu Santo; kaya nga pinagpala kayo kung kayo ay maniniwala sa akin at magpapabinyag, matapos na makita ninyo at malaman ninyo na ako ay siya nga. [i]3408[/i]